
Hindi ko alam kung paano magsisimula at kung ano pang mga kwento ang mga nilalaman ng istorya.
Tapos na ba ang pag-pinta o may malawak pang kanbas na kailangang kulayan.
Ikaw yung sining na hindi nakakasawang tingnan, maraming kwento na matututunan.
Sa dami ng sining na nakapaligid, ikaw ang nagbubukod-tangi. Binigyan mo ng kulay ang aking buhay.
Wala sa materyales na ginamit ang halaga ng isang magandang pirasong sining kundi nasa nilalaman ng kwento kung bakit ikaw lang ang nagni-ningning.
