Kasabay ng ihip ng hangin,
ay ang malalim na buntong hininga.
At kasabay naman ng pagbuhos ng ulan,
ang pagbagsak ng luha sa mga mata.
Ngayo’y maraming tanong sa isipan,
hindi na alam kung alin ang unang bibigyang kasagutan.
dahil lahat ng katanungan
ay konektado sa bigat na hindi mailabas at maubos iiyak.
Mata’y nakatitig sa kalangitan,
at ang tingin ay may kaakibat na kahilingan.
Hiling na sana’y katulad ng kapaligiran,
mahanap na rin ang kapayapaan.
Sa bawat pagpikit,
sumasabay ang pag ihip ng hangin na animo’y nagpapatahan sa luhang patuloy na kumakawala sa mata.
yumayakap at nag papaalalang ayos lang umiyak,
dahil hindi naman kailangan na parating nakadarama ng galak.
Hindi mawari kung bakit,
ngunit mayroon ding nadaramang inggit,
sa mga ibong malayang lumilipad at umaawit dahil katulad ng pagsasaya nila,
hindi na matandaan kung kailan tumawa nang walang nadaramang pangamba
Pangamba na baka pagkatapos ng pagtawa,
iyak at sakit nanaman ang madama.
Nakakapagod, nakakaubos na dahil paulit ulit ang pag ahon sa lungkot,
ngunit paulit ulit ding bumabalik sa pagkalugmok.
Sa patuloy na pagtangis ng mata,
hinihiling na pag naubos na ang luha ay ubos na rin ang problemang dala.
Na sa pagtigil ng luha,
sana’y tunay na kasiyahan naman ang matamasa.
Umaasang sa pagtigil ng pag iyak,
ay matagpuan na ang tunay na pagtahan.
tunay na pagtahan
na hindi na matagpuan sa itinuturing na tahanan.
Hindi ba ang sabi nila,
ang pag tahan ay sa tahanan mo makikita?
ngunit bakit tila iyon pa ang nagiging dahilan ng pagluha?
Tahanan? bakit hindi na matagpuan ang pag tahan?
sa sobrang daming tanong sa isipan,
narito parin naman at umaasa na isang araw,
mata’y tuluyan nang tatahan.