
Nais lamang magpahinga sa’yong mga bisig
Habang pinagmamasdan ang takip-silim
Pansamantalang alisin ang gulo sa isipan
Sapagkat sa wakas, nandito ka aking tahanan.
Ngunit hindi sa lahat ng oras, ikaw ay matayog at matatag.
Minsa’y nabubutasan ang ‘yong yero’t pintura’y kumukupas
At nandito ako upang ika’y punan at pangalagaan.
Kaya huwag nang mangamba sa mga darating pang bagyo
Dahil sa paglipas ng takip-silim hayaan mong ako naman ang maging tahanan mo